BOAC, Marinduque – Nakita ng mga Army Cafgu habang nagpapatrolya sa Makulapnit area ang pagtagas ng tubig sa Makulapnit Dam Tunnel.
Ayon sa Facebook post ni Luna Manrique, Boac planning officer “Our Army Cafgu’s during their environmental patrolling in their text message had observed the leakage of water inside the Makulapnit Dam Tunnel. After immediately informing Mayor Roberto Madla, I called up the Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) to look into it as I had requested our Cafgu’s to send another team to take pictures. The PENRO on the other hand had also sent their team to inspect the site for their technical report and recommendation.
Idinagdag pa ni Manrique, “Water can affect the stability and the deformations of a tunnel by reducing the effective stress and thus the resistance to shearing, and by generating seepage forces towards the excavation boundaries.”
Sa panghuling Facebook post ni Ginoong Luna, sinabi nito na tumawag na siya ngayong araw, Enero 20 sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Manila upang ipaalam ang sitwasyon ng dam. Sa text message na kanyang natanggap mula sa DENR, sa Lunes, Enero 23 ay magpapadala na umano ng team ang ahensya na magsusuri dito.
“The team will arrive on Monday headed by Mines and Geosciences Bureau (MGB), Environmental Management Bureau (EMB) and DENR PENRO. We are drafting a report now in which you are the source and is to be submitted to central office, we will provide the concerned copy of the same including the composite team for Marcopper issue headed by Usec. Anna Teh”.
Matatandaan na ang Makulapnit dam ay isa sa mga inabandonang dam ng Marcopper. Ang dalawang iba pa ay ang Tapian pit at ang Maguila-guila dam.
Ayon sa isinagawang pag-aaral ng *United States Geological Survey noong 1996 ang Makulapnit at Maguila-guila ay mga dam na posibleng magcollapse sa hinaharap.