“Malaking kabulaanan po Bokal Allan Nepomuceno” ito ang naging pahayag ni ex-mayor at dating bokal Pedrito ‘Toto’ Nepomuceno matapos mapanood ang naging interview kina Assistant Provincial Prosecutor (APP) Jun Timtiman at Bokal Allan Nepomuceno sa isang programa sa radyo nitong Marso 18.
Narito ang buong pahayag ni dating bokal Toto Nepomuceno na inilathala sa kanyang Facebook account na may petsang Marso 19.
“Ginagamit ang Radyo Natin-Boac nina Bokal Allan Nepomuceno at Assistant Provincial Prosecutor Jun Timtiman spreading disinformation and outright lies sa isyu ng Marcopper.
Sa loob ng 45 minuto na interview, walang sinabing totoo ang dalawa, Assistant Fiscal Timtiman at Bokal Allan Nepomuceno. Panay ang paglilihis ng landas sa tunay na pangyayari at pinapalabas na magiging masalimuot ang simpleng problema kung hindi aaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang hinihinging ‘authority’ ni Gobernador Carmencita Reyes.
Tulad ng sinabi ni APP Timtiman na ganoon pa rin daw ang kontrata with Diamond McCarthy – Skip Scott at walang pinagbago. Eh it was much worse than before kasi nga ang daming parties involved like ‘yong Parabellum na third party funder who will cover cost at $8-M according to the contract at ‘yong Canadian law firm na LOLG. Ang claim ni Bokal Allan Nepomuceno, one of the top 10 lawyers daw po ‘yon in Canada. I checked sa Internet, wala namang ganon kahit pa sa Top 30. Malaking kabulaanan po Bokal Allan Nepomuceno.
Ang claim ni Bokal Allan Nepomuceno na nalabanan na raw ng LOLG ang Barrick Gold sa isang kaso at natalo ang Barrick. Mali, dahil ang totoo naging abogado nga ng Barrick ang LOLG. Malaking kabulaanan po Bokal Allan Nepomuceno.
Ang Diamond McCarthy ayon sa bagong kontrata “will act as global counsel” daw ng Provincial Government of Marinduque (PGM) kaya kahit pa po sa Pilipinas magsampa ng kaso sila pa rin ang hahawak at makikipag-partner na lamang sa local law firms.
Sabi ni Bokal Allan Nepomuceno hindi raw totoo yung lumabas sa diyaryo na mangungutang ng $8-M ang PGM para sa pagpapagawa ng structure at dams sa Marcopper. Lumabas daw sa diyaryo at social media. Ang totoo walang nagadikit sa $8-M sa rehabilitation kundi si Bokal Allan Nepomuceno lamang dahil walang ganung balita. Ang title pa nga ng Manila Bulletin ay “Loan to fund mining class suit opposed”. So ginugulo talaga ang issue. Malaking kabulaanan po Bokal Allan Nepomuceno.
Sabi pa ni APP Timtiman, kapag i-terminate daw ‘yong 2005 contract tungkol sa Nevada case, ay pwedeng mag-file ng civil suit ang Diamond McCarthy vs. PGM. Ang claim ni APP Timtiman, ‘yong napagkasunduan sa Nevada SC na hindi puwedeng gamitin sa Canada ‘yong jurisdictional ground at sabi niya “nobody can stop Placer Dome from using that…so hindi rin sigurado na mag-assume ng jurisdiction ang Canadian court”. Kapag ganoon daw ang mangyayari, babalik uli sa US ang kaso. Ang alam po namin, the case was dismissed in Nevada on the condition that jurisdiction will not be raised in Canada, period.
Kabulaanan pa ni Bokal Allan Nepomuceno. Napagkasunduan na raw sa Sangguniang Panlalawigan (SP) na bigyan ng authority ang provincial governor na pirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) with Diamond McCarthey (DM) subject to ratification. Walang pong ganoong pangyayari sa enbanc meeting dahil noong SP session, March 10 ang naaprubang resolution ay mag-imbita ng iba pang Canadian law firms na interesadong humawak sa kaso, kasama na ang TJL.
Hindi raw utang ang $8-M na magmumula sa Parabellum. Ang totoo ay sila ang nauna pang magpahayag na utang ito para sa pag-finance ng costs ng litigation. Ito ang pruweba at hiwalay ang agreement between PGM and Parabellum tungkol dito.
Kung pag-aaralan ng husto ang strategy ng PGM at Scott na hanggang ngayon kahit walang personalidad ay may pakialam sa kaso sa utos ng Reyna at iba pa, lumalabas na ang gusto lamang nila ay mabayaran ang Scott-DM-at kung sino-sino pa, at iyon ang kanilang pangunahing pakay – hindi ang ipaglaban ang kaso ng Marinduque for damages.
Na ang kanilang abogado sa Canada (LOLG or Lax O’Sullivan Lisus Gottlieb) ay nag-abogado rin sa Barrick Gold ng dalawang beses at kung bakit ‘yon ang kanilang pinili ay makikitaan ng patunay na hindi interes ng Marinduque ang pinoprotektahan dito, kundi interes ng mga abogado na mabayaran sila.
At dahil diniscuss nina APP Jun Timtiman at Bokal Allan Nepomuceno ang mga proposed contracts, at dahil napag-aralan na rin ito ng mga stakeholders like Macec, kaparian, at nakita na nilang hindi katanggap-tanggap ang mga nilalaman nito, at naiparating na rin nila sa SP officially with even the bishop invited last year for his privilege speech, mas malaki ang dahilan ngayon na isa-publiko ang mga kontrata para magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagpipilit na pirmahan dahil sa pansarili nilang dahilan at hindi para sa tao.
Dapat wari na i-emphasize ng Marinduqenos na ang mga dahilan kaya hindi na dapat pagkatiwalaan ang DM ay sa usapin ng Finances ($12-million ang bayarin daw sa kanila dahil sa nevada case) at sa usapin ng kawalan na ng tiwala ng mga tao (trust) dahil sa maraming taong pambu-bully at pagbubulaan sa Marinduque na lumitaw lahat ng inasaksak sa lalamunan ang $20-M settlement noon na sila ang higit na makikinabang at nganga na lamang ang lalawigan.
Kung susuriin talaga ng husto ay mukhang ang trato ng PGM at mga abogado nila sa kaso ng Marinduque ay isang malaking negosyo na sila ang makikinabang. Sa isang pahina ng dokumentong aking nakalap ay mababasa ang ganito sa Restated and Amended Special Outside Appointment and Engagement.
“While it is contemplated by the Parties that Law Firm will commence litigation against one or more Defendant(s) in the appropriate court(s) in the country of Canada, it is further expressly understood and agreed that Law Firm has not made and does not now make any commitment to file or otherwise pursue any particular proceedings of any type, whatsoever, in furtherance of any claims or causes of action against any parties, whether by way of litigation, arbitration or otherwise, and nothing herein or as otherwise discussed is intended or shall in any way alter this undertaking absent express written agreement specifically setting forth any adversarial undertaking and related expenses, in particular.”
Sa tingin ko ay once the MOA is signed ay aregluhan laang wari uli ang magaganap dahil nandoon lahat ng mechanics for aregluhan. At wala ng kawala ang Marinduque pagnagkataon dahil kahit anong gusto at idikta nila, hindi ng korte, ay masusunod. Di po ako abogado pero basahin nating mabuti.
Nadulas pa si Bokal Allan Nepomuceno at sinabi niya na maaring isang taon lang ang abutin ng kaso kaya baka kaunti lamang ang magagamit dun sa $8-M mula sa third party funder.”