Sa tuwing ako ay naluwas at nauwi sa sinta kong lalawigan na Marinduque ang pangalan ay nakaugalian ko na ang maglive sa Facebook upang mag-update ng lagay ng panahon, biyahe ng mga barko at para batiin ang ating mga kababayan lalo na iyong mga OFW upang kahit paano ay maibsan ang kanilang pagkahomesick.
Resibo: Kabayang Myong on His Way Going Home
Kaninang gabi, Disyembre 22, sakay ng barko pauwi ng Marinduque ay naglive muli ako. Kalakip ng video ay ang pagpapaalala sa mga kababayan na magbaon ng mahabang pasenya at asahan na ang dagsa ng mga tao sa mga pantalan at barko sapagkat ito ay normal na dahil sa holiday season.
Makikita sa video na dahil marahil kakasampa pa lamang ng mga tao sa barko ay marami ang nakatayo, nagahanap siguro ng lugar kung saan sila komportable sa halos may 3 oras na paglalakbay.
Ani ko pa sa video, huwag mag-alala kasi alam ng mga coast guard at crew ng mga barko ang kanilang gagawin. Trained sila diyan. Wala akong ibang intesyon sa pagkuha ng video, magbigay lamang ng tamang update at batiin ang ating mga kababayan na sumusuporta, nagmamahal at nanood sa aking programa.
Panoorin dito ang kabuuan ng video: Just In, Kasalukuyang Sitwasyon ng Barko
Habang nakalive ay lumapit sa akin ang operation officer ng Montenegro Shipping Lines na nagsabing bawal daw magvideo doon, ipinapasabi raw ng coast guard. Agad kong itinigil ang live streaming at upang bigyang daan na rin ang susunod na programa sa aming Facebook Page. Pagkatapos ay nagpunta ako sa terminal upang alamin kung anong polisiya ang nilabag ko, humingi ng paumanhin kung kinakailangan.
Makalipas ang ilang minuto ay wala namang kumausap sa akin.
Umakyat ako ng barko at bumalik sa dating kinauupuan.
Makalipas ang halos may kalahating oras na siguro nang paghihintay ay may lumapit sa aking isang kababayan. Nakainom. Aniya dahil daw sa video ko, kaya hindi pa pinapaalis ang barko.
Sinundan ito ng isa pang kababayan, kaya nagdesisyon ako na bumabang muli ng barko upang kausapin ang coast guard.
Sabi ng dalawang coast guard na una kong nakausap, hindi pinayagan na makaalis ang barko ng Montenegro at Starhorse Shipping Lines dahil ‘overloaded’ umano ang mga ito.
Kailangan daw hintayin ang desisyon ng Lucena Sub Station Commander.
Sa wakas, makalipas ang mahigit kalahating oras na paghihintay ay dumating na si Lucena Sub Station Commander Ramos.
Agad kong kinausap si Ramos at tinanong kung ano ang dahilan ng pagkaantala ng biyahe ng barko.
Overloaded!
Tinanong ko rin si Ramos na kung dahil ba sa video ko, kaya nadelay ang biyahe ng barkong aming sinasakyan. Aniya, hindi raw. Ginagawa lang daw nila ang kanilang tungkulin. Good job mga sir. Dahil diyan tanggapin n’yo ang aking taas noong pagsaludo.
Muli kong tinanong si Ramos kung ano ang nararapat na solusyon upang makaalis na kami.
Magbawas daw ng pasahero at palipatin sa ibang barko ang mga pasahero. Subalit, base umano sa kanyang karanasan, napakahirap daw pasunurin ng ilan sa mga kababayan nating pasaherong Marinduqueno. (non verbatim)
Ibig sabihin, mahihirapang magpababa ng mga nakasakay na pasahero at talagang aabutin kami ng siyam-siyam sa paghihintay.
Sa pagkakataong iyon ay naisip kong tanungin kung nasaan ang manifesto. Ilan ang passenger capacity ng barko na sinasakyan namin at ilan ang pasaherong nakatala sa manifesto ng barko?
308 daw ang capacity ng barko at 302 ang kasalukuyang nakatala sa manifesto ayon sa crew ng Montenegro. Oh kulang pa pala ng 6 ay. Ibig sabihin hindi overloaded!
Kaya, inutusan ni Ramos ang isa niyang miyembro na mag-accounting. Ang resulta, 308 ang bilang ng pasahero. Saktong sakto!
Walang dahilan para i-delay ang biyahe ng Montenegro sa mga oras na iyon. Kaya agad iniutos ang pagpapaalis ng barko.
Umalis na kami sakay ng barkong Montenegro.
Habang naglalayag, nakipagkwentuhan ako sa aking mga kaibigan, pagkatapos ay muli akong bumalik sa nauna kong pwesto sa harapang bahagi ng barko upang sana ay magpahinga.
Subalit, may isang babae at isang lalaki na sa akin ay nagkompronta. Taga Gasan daw sila. Narinig ko ang pinakamasasakit na salita na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa narinig. Sa dami ng tao na nakarinig niyon ay para akong naupos na kandila sa kinauupuan ko. Naubos, nasayang, ang reputasyon na matagal na pinagpaguran ko.
Basahin, Ilan sa Aking Adbokasiya: Making Time to Save Children at Club Marinduqueno nagsagawa ng medical, dental mission sa Marinduque
Bumili raw ako ng sarili kong barko, etc. Ngayon lang daw baga ako umuwi ng Marinduque at ang arte ko. (non verbatim)
Sagot ng isip ko, kabayan, sa buwan ng Disyembre, pangatlong beses ko na kaya aring uwi, last week laang sakay din ako ng barko.)
Resibo: Magandang Tanghali, Balanacan Mogpog
Sa una ay sinagot ko ang kanilang katanungan at noong hindi naman nakikinig sa paliwanag ko ay hinayaan ko na lamang silang magsalita at magmura.
Cursing, pagbabanta at marami pang masasakit na salita. Mainam na lamang at marami ang nakarinig na sila namang kakatawan bilang aking mga witness sa pagsasampa ng karampatang kaso laban sa kanila. Oral Defamation.
“Slander is libel committed by oral (spoken) means, instead of in writing. The term oral defamation or slander as now understood, has been defined as the speaking of base and defamatory words which tend to prejudice another in his reputation, office, trade, business or means of livelihood. (Victorio v. Court of Appeals, G.R. Nos. 32836-37, 31 May 1989, 173 SCRA 645, 652.)”
Habang nagamuni-muni, limang bagay ang naisip ko.
Una, sa Dalahican Coast Guard: Paano kayo nagcome up sa desisyon na i-hold ang alis ng barko sa mga oras na yaon gayong base sa manifesto ay hindi naman pala overloaded ang barko? Kulang pa ngani ng anim na pasahero.
Pangalawa, sa Montenegro Shipping Lines: Bakit hindi agad kayo umapela sa coast guard at ipakita ang hawak ninyong manifesto ay tama lamang sa pampasaherong kapasidad nito? Bakit hinintay ninyo pa na umabot nang humigit na 2 oras na delayed ang biyahe ng barko ninyo? Nararapat at panahon na siguro na maglaan kayo ng passenger seat no. kagaya ng ibang shipping lines.
Pangatlo sa mga Kababayang Pasahero: Sa social media, nababasa ko sa mga comment, kapag ang pinag-uusapan ay byahe sa isla, sagad sagad sa langit ang pagsigaw natin ng pagbabago para sa Marinduque. Kesyo bulok daw ang sistema natin sa transportasyon. Kesyo mabaho daw ang CR ng mga barko. Kesyo bakit kasabay daw ng mga tao ang sasakyan ng baboy gayundin ang sasakyan ng langis at krudo at marami pang kesyo. Subalit, tayo mismo, hindi disiplinado, ayaw magbago. We are still tolerating wrong doings of some authorities in favor of our own interest. Patuloy nating ginagawa ang mga bad pratices sa barko. Nahiga sa upuan at inasabing may kasama pero wala naman. Hindi pa napundo ang barko, at hindi pa naga-announce ang kapitan na bumaba na, pero karamihan nakapila na sa hagdanan. Makain pagkatapos ay a-iwan laang sa lamesa ang balat ng pinagkainan at bote ng tubig na pinag-inuman.
Pang-apat, Nalulungkot Ako: Nalulungkot ako sa ganitong mentalidad na narinig ko sa ilan nating kababayan, “Okay lang bumiyahe ang mga barko kahit overloaded kasi peak season naman, nakasanayan na naman ito. Ang mahalaga ay makauwi kami. (non verbatim). What a selfish and annoying mentality. Hindi man tawag dalangin, paano kung magkaaberya? Paano kung gumaya sa mga karaniwang nababalitaan natin na disgrasya sa karagatan? Worst comes to worst, paano kung mawala ang isa sa mga mahal mo sa buhay? Sino ngayon ang asisihin mo, ang mga awtoridad o ang ugali mong makasarili at ayaw ng pagbabago. Prevention is better than cure, kabayan.
Panoorin at Basahin: 4 patay sa lumubog na fastcraft sa Quezon
At panglima, sa mga kababayan natin na lumapit sa akin kanina, kumamay at nagsabing suportado ka namin kabayan. Tama laang ang ginawa mo. Kasama mo kami sa pagbabago. Maraming salamat po sa inyo. Malayo pa ang atahakin ng ating probinsya sa sistema ng transportasyon at iba pang aspeto pero ang mahalaga sinimul-an na natin.
Saktan ninyo man ang damdamin ko ngay-on, ayos laang, ang mahalaga maging maayos ang sistema na kalalakihan ng inyong mga anak at kamumulatan ng henerasyon na susunod sa akin. Dahil I Love Marinduque.
Maligayang pasko at masaganang bagong taon sa iyo kabayan.
Ang inyong kababayan online, Myong. Love lots.
PS: May makapagsasabi kaya ng buong pangalan at saktong lugar na inatirhan noong dalawang kababayan natin na lubos na nagpasakit ng damdamin ko, pakiPM na lamang sa aking Facebook account. Taga Gasan daw sila.
Muli salamat ng marami, just love this Christmas.
Note: Bukas ang Marinduque News para sa anumang pahayag mula sa mga kinauukulan at indibidwal na nabanggit.