Ama ng Modern Filipino Dubbing na si Danny Mandia, pumanaw na sa edad na 70

BOAC, Marinduque — Pumanaw na ang tinaguriang ‘Father of Modern Filipino Dubbing’ na si Danny L. Mandia sa edad na 70.

Nagsimula ang karera ni Mandia sa entertainment industry noong 1977 nang maging stage manager ito sa Cultural Center of the Philippines’ Teatro Pilipino.

Taong 1991 naman ng pasukin nito ang mundo ng dubbing nang siya ang gawing translator ng sikat na series na Ultraman ng ABS-CBN.

Siya rin ang boses sa likod ng karakter ni Smee sa fantasy adventure film na Peter Pan.

Mula noon ay kinilala na ang husay at talento ni Direktor Danny sa Philippine entertainment na mas kilala bilang ‘Ama’.

Ipinanganak si Mandia noong Agosto 23, 1954 sa bayan ng Boac, Marinduque. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!