Itinanghal na Best Supporting Actress sa katatapos lamang na ToFarm Film Festival 2016 si Anna J. Luna, anak ng negosyante at aktor na si Rommel Luna tubong Mogpog, Marinduque.
Nasungkit ni Anna Luna ang titulong Best Supporting Actress sa kanyang natatanging pagganap sa pelikulang “Paglipay”, isa sa anim na finalist para sa ToFarm Film Festival 2016.
Ang kwento ng Paglipay ay umiikot sa love triangle ng dalawang katutubong Aeta at isang hindi naman katutubo.
Ayon sa Uniquely Pinoy “In the story, Garry Cabalic, a real Aeta, plays Atan, just 19, a ‘manggagasak’ finds himself in a fixed marriage with another Aeta named Ani in ‘Baytan’. The family of Atan’s bride-to-be requested Atan to provide two swine and Php20,000 as ‘Bandi’ or dowry. In order for Atan to raise the amount and the two swine, he has to go to the plains (kapatagan) and find alternative jobs in-between. During those times, he met Rain portrayed by Anna Luna whom he found special fondness and secret admiration with.”
“The film paints a cross-cultural encounter of the ‘kulot’ (Aetas) and the ‘unat’ (the non-Aetas). This is where the love story revolves around Atan, Rain and Ani (Joan dela Cruz). Also, Dulay, the diretor of the movie, attempts to debunk the idea of “Kaingin’ as perceived by the common people. Such practice is part of the Aeta culture and is actually not a bad practice as opposed to being taught in schools in the city. He made it a point to include it in his movie.”
Ang awarding ceremony ay idinaos sa Makati Shangri-La noong Miyerkules, Hulyo 20 kung saan si Carla Abellana at Dingdong Dantes ang mga host ng okasyon.
Narito ang kompletong listahan ng mga nagwaging personalidad sa ToFarm Film Festival 2016:
Best Supporting Actor – Micko Laurente, Pitong Kabang Palay
Best Supporting Actress – Anna Luna, Paglipay
Best Sound – Arnel de Vera, Pitong Kabang Palay
Best Music – Lorenzo Nielsen, Pitong Kabang Palay
Best Production Design – Mao Fadul, Pauwi Na
Best Editing – Paolo Villaluna and Ellen Ramos, Pauwi Na
Best Cinematography – Albert Banzon, Paglipay
Best Screenplay – Maricel Cariaga, Pitong Kabang Palay
Best Story – Paolo Villaluna and Ellen Ramos, Pauwi Na
People’s Choice Award – Paglipay
ToFarm Festival Professional Responsibility Award – Kakampi
Ingenuity Award – Pilapil
Best Actor – Bembol Roco, Pauwi na and Gabby Cabalic, Paglipay
Best Actress – Cherry Pie Picache, Pauwi Na
Jury Special Award for Outstanding Film – Pauwi na
ToFarm Film Festival Special Award for Outstanding Ensemble – Pitong Kabang Palay
Best Director – Zig M Dulay, Paglipay
3rd Best Picture – Free Range
2nd Best Picture – Pitong Kabang Palay
Best Picture – Paglipay
Rommel at Mogpogueno, todo suporta kay Anna
Lubos ang kagalakan ng mga Mogpogueno lalo na si Rommel Luna sa pagkakahirang kay Anna bilang Best Supporting Actress sa ikalawang pagkakataon.
Sa post ni Rommel sa kanyang Facebook account, “Maraming maraming salamat po, Mogpoguenos sa mga dasal at wishes ninyo! Nasungkit pong muli ni Anna J. Luna ang pangalawang Best Supporting Actress award n’ya! Para po sa ating lahat ito!
Maikling kwento ng buhay ng tatay ni Anna, si Rommel Luna
Bata pa lamang ay nangarap ng maging sikat na artista. Ang kauna-unahan niyang professional play ay ang “Jun at Johnny” kung saan ay isa siya sa dalawang bida para sa PETA noong 1992. Maraming pag-arte sa pelikula, telebisyon at entablado na ang nagawa niya, ang pinakahuli at ang pinakamapanghapon ay ang papel niya bilang isang psychotic na tatay nina Lauren Young at Maxene Magalona sa pelikulang “Catnip” para sa CinemaOne Originals sa direksyon ni Kevin Cayabyab Dayrit noong 2012.
Pinagsumikapan n’yang ibangon ang pamilya sa kahirapan, bilang ang mga magulang ay nagkakalesa at nagtitinda ng gulay sa palengke. Tubong Mogpog, Marinduque, nagtapos siya ng kolehiyo sa pagiging isang working student. Nagtrabaho bilang janitor, messenger at marami pang iba. Habang nag-aaral ng AB Mass Communication sa Far Eastern University, siya ay nag-aahente sa mga courier companies, umeekstra sa mga pelikula at telebisyon at nagsusulat sa mga komiks.
Kumuha rin siya ng Masteral: Master of Fine Arts in Creative Writing sa De La Salle University. Sa kasalukuyan siya ay abala sa pagpapalago ng kanyang mga negosyo at abala sa Rommel Luna: Talks and Lyrics Youth’s Support Organization, Inc.
Marinduquenos are so much proud for you, Anna. Congratulations!