Asong gala, nagpunta sa ospital para magpabakuna?

BOAC, Marinduque – Nakunan ng retrato ang asong gala na ito sa bukana ng Marinduque Provincial Hospital, ito ay sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Provincial Veterinary Office (PVetO) na siguraduhing walang kumakalat na mga asong-gala o ‘stray dog’ sa probinsya.

Matatandaan na kamakailan lamang ay may isang babaeng guro na nagmomotorsiklo ang naaksidente dahil sa asong gala sa barangay Santol na siyang nakasasakop sa nasabing ospital.

Panawagan ni Dr. Josue Victoria, beterinaryo ng lalawigan, “Sana ay magawan ng paraan ng mga namumuno sa lalong madaling panahon na sinupin ang mga asong gala para hindi na maulit ang kahalintulad na aksidente”.

Pet lover? Maging responsableng pet owner! A campaign ad of the Department of Health

Nito lamang nakalipas na linggo ay nagbabala ang PVetO sa mga ‘motorcycle riders’ na bibisita sa Marinduque ngayong darating na Holy Week.

Ito ay matapos lumabas sa isinagawang pag-aaral ng Surveillance and Monitoring Team ng PVetO na napakadelikado para sa mga motorista ang paglalakbay sa mga pangunahing lansangan sa lalawigan dulot ng mga ligaw at mababangis na aso o iyong tinatawag na ‘stray at feral dogs’. – Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!