BOAC, Marinduque – Sa inisyal na pag-iikot at monitoring ng Marinduque News Team ay makikita ang lubhang pinsala sa Marinduque partikular sa mga bayan ng Torrijos, Boac, Buenavista at Gasan ng Bagyong Tisoy nang manalasa ito ngayong araw, Martes, Disyembre 3.
Maraming kabayahan, gusali kagaya ng barangay hall, iba’t ibang uri ng puno at halaman ang nasira. May ilan ding poste ng Marelco ang natumba na naging sanhi ng pagkawala ng supply ng kuryente sa buong probinsya.
Naka-down din sa kasalukuyan ang Smart at Globe Telecommunications sa ilang bayan kagaya ng Torrijos na nagiging sanhi upang mahirapang makipag-communicate ang mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay Marinduque PDRRM officer in charge Rino Labay, “The province is experiencing brownout right now. Typhoon Tisoy started raging at 5am and continued pounding the province around 8:30am”.
OIC Labay said making contact with local governments is challenging as most communication assets including internet were knocked out. No report of casualties as of now. The PDRRM emergency operation center at the capitol as well as those DOH Marinduque are running on generators. OIC Labay said Typhoon Tisoy seemed to be twisting the trees in their immediate vicinity.”.
Kaninang pasado alas-8:30 ng umaga ay naglandfall sa ikatlong pagkakataon ang Bagyong Tisoy sa bayan ng Torrijos.
Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang Typhoon Cyclone Signal No. 3 sa buong probinsya. – Marinduquenews.com
Editor’s Note:
Similar on what we did in 2016 during Typhoon Nina, we will activate again our #SulongMarinduque initiative. Those who want to share their love and blessings to our kababayan who were severely affected by Typhoon Tisoy, please click this link.