Naglaan ng Php15 milyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para muling maiayos ang Marinduque Airport sa bayan ng Gasan.
Ito ay matapos makipag-usap at ilapit ni Congressman Lord Allan Velasco ng Marinduque kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang matagal nang nakatigil na operasyon ng nasabing pampaliparan.
Read also: Marinduque cong, requested DOTr sec to look into Gasan Airport
Ayon sa kongresista, nakatakda nang magsimula ang konstruksyon ng Marinduque Airport bago magtapos ang taong 2017.
Dagdag pa ni Velasco, mas mapapadali na sa mga turista at negosyante na mag-angkat at magluwas ng mga kalakal para mapalakas muli ang turismo dito.
Read also: Politics gets in the way of Marinduque Airport’s upgrade
Patuloy din aniya na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan si Velasco sa CAAP at DOTr upang matiyak nilang matatapos ang pagsasagawa nito bago sumapit ang Mahal na Araw sa 2018 kung saan inaasahan sa panahong ito ang pagdagsa ng mga bisita sa lalawigan dahil sa Moriones Lenten Rites.
Photo courtesy of Marinduque Rising