Naglaan ng P30 milyong pondo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapagawa ng bagong tulay na mag-uugnay sa barangay Pulong Parang at barangay Napo sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Ito ang kinumpirma sa memorandum na ipinadala sa Marinduque News ni Engr. Vivian Historillo, Caretaker ng DPWH Marinduque District Engineering Office (DEO).
Ayon sa memorandum, kasama sa ‘approved projects’ sa ilalim na General Appropriation Act of 2018 (GAA 2018) ang pagpapagawa ng bagong tulay sa nasabing bayan. Ayon pa sa memo, ang proyekyo ay pasisimulan ngayong taong 2018.
Matatandaan na noong Setyembre 29, 2017 ay nagpadala ng liham ang Marinduque News sa Presidential Complaint Center (PCC) upang ipabatid ang kalbaryong dulot na dinaranas ng mga mamamayan sa mga nabanggit na lugar dala ng kawalan ng maayos na daan.
Agad naman itong ginawan ng aksyon ng PCC at ipinadala ang complaint letter sa DPWH Head Office sa pamamagitan ni Director Elizabeth Pilorin.
Ang Marinduque News ay buong pusong nagpapasalamat sa Presidential Complaint Center, DPWH Marinduque at sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan na tumulong upang mabigyan ito ng pondo.
Read also: Tulay sa bayan ng Santa Cruz, bigyan naman kahit konting awa
Patuloy naming tututukan ang proyektong ito hanggang sa matapos at tuluyang mapakinabangan ng mga mamamayan. –Marinduquenews.com