4P’s Logo, a program of DSWD |
BOAC, Marinduque – May 281 magaaral ang nabigyan ng ESGPPA Grants ngayong taon. Ang ESGPPA ay ang Expanded Student Grants in Aid Program for Poverty Alleviation ng Department of Social Welfare and Development Office, na ipinapatupad na dito sa lalawigan ngayong SY 2014-2015.
Ang mga anak na kasapi ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na “deserving” o may kakayanang mag-aral sa kolehiyo ay maaring mabigyan ng opportunidad upang makapagaral sa ilalim ng ESGPPA sa isang pampubliko o pribadong paaralan. Sa ESGPPA mabibigyan ang mag-aaral ng P30,000.00 bawat semester sa looban ng apat na taon, upang hanggang sa huling taon at pagtatapos ng kolehiyo ay suportado ang mga ito. Ang grant na ito ay nakalaan sa sumusunod: P10,000.00 para sa Tuition Fee, 3,500.00 para sa boar and lodging at transportation allowance at P2,500.00 para sa book allowance. Maraming kurso ang maaring pagpilian ng mga grantees sa MSC ayon kay Ms. Grace Minay (DSWD) kagaya ng; Information Technology, Agriculture, Education-Elementary & Secondary, Science & Math, Engineering, Health Sciences, Arts and Humanities, Psychology and BS Social Work. Ang iba pang kurso subalit hindi offered sa MSC ay ang Atmospheric Science at Environmental Science.