Frontline health workers sa Buenavista, nabakunahan na

BUENAVISTA, Marinduque — Umabot na sa 213 ang bilang ng mga frontline health workers ang nabakunahan gamit ang Sinovac at AstraZeneca sa bayan ng Buenavista.

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Eleanor May Grate, municipal rural health unit officer, 11 ang manggagawa sa RHU habang 202 na barangay health emergency response team (BHERT) ang nakatanggap na ng bakuna mula Marso 18 hanggang kahapon, Marso 23.

“Mula po March 18 hanggang March 22 ay nakapagbakuna kami ng nasa 220 indibdwal at ngayong araw naman po, March 23, since ito po ang huling araw ng vaccine roll-out sa lahat ng interesadong miyembro ng BHERT. Record breaking po kami dahil just for today, 82 kliyente ang aming naturukan ng bakuna kontra COVID-19”, pahayag ni Dr. Grate.

Ang nasabing datos ay galing sa kabuuang bilang na 440 na mga healthcare personnel sa rural health unit at barangay health emergency response team mula sa 15 barangay ng Buenavista na binubuo ng mga kapitan, kagawad at tanod ng barangay, barangay health workers (BHW) at barangay nutrition scholars (BNS).

Nagpasalamat naman ang Buenavista municipal health unit officer sa lahat ng opisyal at kawani ng mga barangay na buong tapang na tinanggap ang hamon para magsilbing patunay sa mga mamamayan na huwag mangamba o matakot na magpaturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019.Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!