Isang sorpresa ang inihandog ng mga kawani ng Marinduque Provincial Capitol kay Gob. Carmencita Reyes na nagdiwang ng kanyang ika-88 na taong kaarawan nitong Nobyembre 9.
Hindi naitago ng gobernadora ang lubos na kasiyahan ng salubungin ito ng provincial choir na nagmistulang 18th birthday ng isang debutante ang selebrasyon.
Isinayaw si Reyes ni Provincial Administrator Baron Jose Lagran at ng ilang miyembro ng sangguniang panlalawigan kasama rin ang department heads ng iba’t-ibang opisina ng kapitolyo.
Inawitan dinng mga kapulisan ang gobernadora ng kanyang paboritong kanta na pinangunahan ni Police Superintendent Thomas Frias Jr., officer in charge ng Marinduque Provincial Police Office (MPPO).
Isa-isa namang nagbigay ng regalo ang department heads ng bawat opisina ng gobernador.
“This is the happiest moment of my life” ani Reyes na buong pagmamalaking sinabi na walang sinumang gobernador ang makararanas ng ganitong pagpapakita ng pagmamahal at pasasalamat.
Nagkaroon pa ng raffle promo para sa mga empleyado ng kapitolyo kung saan nag-uwi ng appliances kagaya ng gas stove burner, coffee blenders, washing machine at flat screen TV’s ang mga maswerteng nabunot sa raffle.
Marinduque News wishes you good health and blissful birthday, Gov. Carmencita Reyes!
Source and courtesy of Marinduque Provincial Government
Erratum: Gov. Reyes age has been updated to 88 per her senior citizen identification card. Her birth date is November 9, 1929. Based on Wikipedia, she was born on November 9, 1931 which was the basis of our initial article.