TORRIJOS, Marinduque – Magkatabing naupo si Gov. Carmencita O. Reyes at Mayor Lorna Q. Velasco bago isagawa ang pag-aalay ng bulaklak (wreath laying) sa bantayog ni Gat. Jose Rizal.
Ang pag-aalay ng bulaklak ay bahagi ng programa sa pagdiriwang ng ika-116 Anibersaryo ng Laban sa Pulang Lupa na ginugunita ngayong araw, Setyembre 13, 2016 sa bayan ng Torrijos.