Grupong Gaseño, wagi sa consumer vlog-making contest ng DTI

GASAN, Marinduque — Itinanghal bilang provincial winner ang grupo mula Gasan na pinangunahan ni Margarita Nenet Mampusti o mas kilala sa pangalang ‘Mareng Marga’ sa katatapos lamang na consumer vlog-making contest na inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI)-Marinduque kamakailan.

Gamit ang mga hashtag na #EkisanAngPlastik at #IFlexAngBasket, sa kanilang opisyal na vlog entry ay naiuwi ng grupo ang P10,000 grand prize.

Ang opisyal na parangal ay iginawad sa nanalo sa pangunguna ni Roniel Macatol, OIC Provincial Director ng DTI Marinduque.

Kabilang sa produksyon sina Gasan Municipal Accountant Margarita Nenet Mampusti (vlogger – Mareng Marga), Tourism Officer Designate Christine Magana (Consultant & Musical Director), TCAO staff Gerico R. Sapunto (Director, Scriptwriter & Editor) and Edison R. Sena (Continuity Supervisor) at Office of the Mayor staff Wilfredo P. Rafols (Service Crew and Production Assistant).

Sa kabilang banda nakatanggap naman ng P4,000 consolation prize ang mga vlogs na ‘Natuto si Marihin, Buhay Eskinita at Mulat’ na hindi pinalad na manalo.

Ire-representa ng grupo ang probinsya ng Marinduque sa regional na lebel ng nasabing patimpalak.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng Local Government Unit ng Gasan sa supurta sa kauna-unahang vlog Adbokaserye na tumatalakay sa plastic pollution at kung paano maiiwasan ang paglaganap nito na siyang banta hindi lamang sa Inang kalikasan kundi pati sa kalusugan. — Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!