MOGPOG, Marinduque – Ipinagdiwang ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) – Marinduque ang ika-24 na anibersaryo ng kanilang ahensya sa Barangay Gitnang Bayan, Mogpog.
Naging tampok sa araw ng selebrasyon ng ahensya ang pagpapakita ng mga mag-aaral ng kanilang kakayanan sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Maging ang mga organikong gulay gaya ng petsay, talong at sitaw ay ibinenta sa araw ding iyon na pinitas mula sa kanilang farm school.
Bukod pa rito ay nagkaroon din ng libreng massage therapy ang TESDA para sa mga nagsipagdalo na nagnanais magpahilot.
Ang mga paaralan na kinikilala ng TESDA na nakiisa sa selebrasyong ito ay ang mga sumusunod: Buyabod School of Arts and Trades,Torrijos Poblacion School of Arts and Trades,Santa Cruz Institute (Marinduque), Inc., Marinduque Manpower and Trade Skills Institute, Inc., Myriad Manpower and Trade Skills Institute, Inc., Marinduque Technical and Vocational Institute, Inc., Marinduque Technical Training Center, Inc., Everbright International Academy, Inc., AGREA Agricultural Communities International Foundation, Inc., DMDC Farm School at Mogpog International Culinary School, Inc. –Marinduquenews.com