BOAC, Marinduque — Ayon sa Comparative Crime Statistics na inilabas ng Philippine National Police ng Marinduque kamakailan, iniulat na bumaba ang bilang ng krimen na nangyari sa lalawigan makalipas ang isang taon.
Ayon sa Marinduque Police Provincial Office (MPPO), may 15 na bilang na pagbaba sa index crime simula sa Enero – Nobyembre 2017 kumpara sa bilang na naitala noong 2016.
Read also: Gasan police, continuously campaigning ‘Project Double Barrel’
Ayon sa talaan ng MPPO, ang bilang sa index crime na kanilang naitala ay binubuo ng mga sumusunod: murder-3, homicide- 2, physical injuries- 19, rape-22, robbery- 19, theft-25, cattle rustling-0, at carnapping-1 na may kabuohang bilang na 76.
Dagdag pa ng MPPO, bilang pagsuporta sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan ay nagkaroon sila 10 anti-illegal drug operations na kung saan ay 20 ang naaresto at 5.66 gramo ng suspected shabu at 7.2 gramo ng marijuana ang kanilang nakumpiska.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay mayroong bilang na 91 na kriminal ang nahuli ng MPPO.
Read also: Port police nab Marinduque cop for shabu
Mas pinaigting din ng mga kapulisan ang seguridad sa lalawigan noong araw ng kapaskuhan. Ilan sa kanilang mga nagging hakbang ay ang pagtatayo ng police assistance desk (PAD) sa mga pantalan, at pagpapadala ng road safety marshalls (RMS) at public safety forces (PSF) sa mga control areas.
Nagkaroon din sila ng iba’t-ibang operation plans gaya ng Oplan Sita, Oplan Bakal, Oplan Galugad, Oplan Katok, service of warrant of arrest at service of search warrant. — Marinduquenews.com
#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera