Matapos ang lagpas isang taong paghihintay, kinumpirma na ng Facebook ngayong araw, Agosto 11, bilang isang lehitimo at ‘authentic’ ang Facebook Page ng Marinduque News.
Ayon sa Facebook, kapag ang isang social media account o page ay ‘verified’, nagdaragdag ito ng kredibilidad at pagpapatunay na hindi peke ang nasabing account.
Base naman sa website ng Awesomely Techie “Verified profiles on social media is an increasingly big deal because they add an stamp of approval and credibility to the accounts of notable people and organization”.
“To have the blue or gray check is a perk, no matter what social network it is, and some of the pros are more tangible than others. It is done purposefully because the more people with it, the less the value”, dagdag pa ng sumulat ng artikulo.
Samantala sa website ng Think Social Business ay inisa-isa nito ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng blue or gray badge at ito ay ang mga sumusunod:
1) It helps new likers to identify you as an established and trustworthy brand
2) Show up higher in search results to attract more visitors
3) Verified badge let visitors know the page is authentic
4) Get early access to new features.
Ang blue at gray badge ay ibinibigay lamang sa mga tanyag na personalidad at organisasyon na kompleto ang mga detalye sa kanilang mga Facebook account at pages, nagsumite ng mga kinakailangang dokumento kagaya ng business permit at iyong mayroong mataas na ‘engagement’ sa social media.
Editor’s Note:
Congratulations at kudos sa bumubuo ng Marinduque News Network. Kay Gilbert Jacolbia, Allan Macapugay, Adrian Sto. Domingo, John Paul Garcia, sa aming partner agencies at sponsors, lalo’t higit sa lahat ng aming mga kababayan na tumatangkilik sa ating website.