MOGPOG, Marinduque – Niyanig ng 3.9 magnitude na lindol ang probinsya ng Marinduque nitong Miyerkules ng hapon, Pebrero 6.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:01 ng hapon.
Ang lokasyon ng lindol ay sa Timog Kanluran ng Padre Burgos, Quezon.
May lalim ang lindol na 005 kilometro at ‘tectonic’ ang pinagmulan nito.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol. – Marinduquenews.com