BOAC, Marinduque – Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Southern Tagalog Region nitong hapon lamang.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ito kaninang alas-5:39 ng hapon.
Natukoy ang epicenter nito sa layong 32 km timog kanluran ng Boac, Marinduque.
May lalim itong 18 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Intensity V – Boac, Marinduque
Intensity IV – Batangas City
Intensity III – Lipa City and Malvar, Batangas
Instrumental intensity:
Intensity I – Guinayangan, Quezon and Tagaytay City
Source and courtesy of Bombo Radyo –Marinduquenews.com