Personal na nakipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco sa Malakanyang.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na naganap ang one on one meeting ni Velasco sa Pangulo pagkatapos ng meeting ng Inter Agency Task Force o IATF.
Ayon kay Roque, malaki ang posibilidad na ang agenda ng meeting ng Pangulo at ni Velasco ay may kinalaman sa speakership sa mababang kapulungan ng kongreso.
Wala ng ibang detalye na ibinigay si Roque ukol sa meeting ng Pangulo at ni Velasco.
Magugunitang pagkatapos ng pakikipagpulong ni Pangulong Duterte kina Speaker Alan Peter Cayetano at Congressman Velasco sa Malakanyang noong nakaraang linggo ukol sa term sharing agreement ay personal ding nakipagkita sa Presidente si Cayetano kasama ang kanyang asawa na si Congresswoman Lanie Cayetano at kapatid na si Senadora Pia Cayetano.
Inaasahang magkakaroon ng showdown sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa October 14 ang petsang napagkasunduan nina Cayetano at Velasco sa unang meeting sa Pangulo para sa pagpapalit ng speakership sa kamara alinsunod sa term sharing agreement.
This story was first published on Radyo Agila