BOAC, Marinduque – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong gawing unibersidad ang Marinduque State College (MSC).
Ang House Bill No. 8729 na may titulong “An Act Converting the Marinduque State College in the Municipality of Boac, Province of Marinduque into a State University, to be known as the Marinduque State University, and Appropriating Funds Therefor” na iniakda ni Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco ay ganap ng batas matapos pagtibayin ng pangulo ng Pilipinas nitong Miyerkules, Hunyo 26.
Nakasaad sa batas na maging ang mga satellite campus ng MSC sa Santa Cruz, Gasan at Torrijos ay tatawagin ding MSU.
Sa pahayag ni Rep. Velasco, sinabi nito, “With the passage of this Marinduque State Universityhood bill into law, the newest University in the country would be capable of delivering new personnel in the school, particularly in terms of its faculty, which should redound to the benefit of its students. Moreover, the conversion of the academic institution into a University would provide new facilities that would definitely improve the academic environment and would foster growth to the minds of the students.”
Nagsimula ang operasyon ng MSC bilang National High School of Arts and Trade noong 1952 sa bisa ng Republic Act No. 805.
Noong 1983, ito ay ginawang Marinduque School of Arts and Trade (MSAT) base sa Batas Pambansa 377, at noong 1990, binago ang pangalan nito bilang Marinduque Institute of Science and Technology (MIST) sa pamamagitan ng Republic Act No. 6833.
Taong 1992 nang ito ay tawaging Marinduque State College sa bisa ng Republic Act No. 7319.
Sa pagiging ganap na unibersidad ng MSC, magkakaroon ito ng kalayaang pang-akademiko at otonomiya.
“Marinduque State University will be very visible in the community, and we will partner with the leadership of Cong. Velasco, Gov. Velasco, and down to the barangay to really help work for Marinduque to be a sustainable province in agriculture, and in tourism. Ito po ang direksyon, ang focus na tatahakin ng MSU. Wala rin pong halaga ang aming presensya bilang unibersidad kung hindi kami mararamdaman ng komunidad. We will always be willing to work hard and even work harder”, ito ang madamdaming pahayag ni Dr. Merian Mani, presidente ng MSC sa naging panayam ng Marinduque News.
Editor’s Note: Congratulations, Marinduque State University, and all Marinduquenos on this new achievement and milestone! – Marinduquenews.com