BOAC, Marinduque – Isa ang Marinduqueño na si Atty. Restituto Opis, tubong Boac sa dalawampu’t limang mga haligi ng tahanan na binigyan ng parangal ng Ulirang Ina Ama Awards Foundation, Inc.
Kinilala ang kontribusyon ni Opis sa larangan ng batas at hudikatura.
Ayon sa UIAAFI, “Atty. Opis is a pillar of strength, support and discipline. Single handedly, he was able to send his children to school who are now all accomplished professionals, government officials and business persons in their own plight. He is a champion of the poor and the less privilege. Until now at the age of 87, he still defends the poor in their legal battles.”
Kabilang sa mga posisyong hinawakan ni Opis sa Marinduque ay ang pagiging provincial fiscal, sangguniang bayan member at sangguniang panlalawigan board member. Naging pangulo din siya ng Coconut Federation-Marinduque Chapter at legal officer ng Commission on Immigration.
“Ipinagkakamapuri ka po namin tatay dahil sa iyong edad na 87 ay patuloy ka pa ring tumutulong at walang pagod na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga nangangailangan. Retired ka na dapat sa ganitong serbisyo pero hindi mo maiwan-iwan dahil sa awa sa mga tao. Salamat sa lahat ng iyong pagmamahal at sakripisyo”, madamdaming pahayag ni Konsehala Bernadine Opis-Mercado, isa sa mga anak ni Atty. Opis.
Samantala, ilan sa mga kilalang personalidad na tumanggap din ng pagkilala ay sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justice Ramon Garcia, Philippine National Police Chief Oscar Albayalde at Special Assistant to the President Secretary Christopher Lawrence “Bong” Tesoro-Go.
Ang Ulirang Ama Award ay taunang iginagawad sa ilang piling indibidwal ng Ulirang Ina Ama Awards Foundation, Inc. na naglalayong kilalanin ang tagumpay na ipinakita ng mga tatay sa kanilang propesyonal na buhay habang tinutupad ang papel bilang mga haligi ng kanilang mga tahanan.
Congratulations Atty. Restituto Opis bilang isa sa Ulirang Ama Awardees 2018. Marinduque News is truly proud of you! –Marinduquenews.com