Mark Jero Bagaporo, kinatawan ng Marinduque sa Mr. World PH 2018

Mark Jero Bagaporo, buo ang loob na kunin ang trono!

Baon ang karanasan mula sa kahirapan, ang mapagmahal na apo sa nakagisnang lola, at ang adbokasiyang makatulong na maiangat ang turismo ng kanyang mahal na isla, ang probinsya ng Marinduque.

Handang handa na ang simpatikong Marinduqueño para sa Mr. World Philippines 2018.

Taong 2012 ng magsimulang sumali sa mga kahalintulad na patimpalak si Jero. Ilan sa kanyang mga nakamit na titulo ay ang Ginoong Gasan Turismo 2012, Mr. Marinduque State College Olympics 2016 at Mr. Strassuc 2nd Runner up 2016. Tinanghal din siyang 2nd Runner up sa Ginoong Mimaropa 2017 at finalist sa Global Bachelor of Philippines 2018. Naging kinatawan din ng probinsya si Jero sa Mr. Grand Philippines 2018 kung saan ay nakuha nito ang Best in Talent.

Si Jero ay nag-aaral sa kolehiyo at kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in Music Arts Physical and Health Education sa Marinduque State College (MSC).

Mapapanood ngayong Martes, Oktubre 23 ang ‘coronation night’ ng Mr. World Philippines 2018 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!