BOAC, Marinduque — Maligayang Araw ng Paggawa sa mga Marinduqueños na nandito sa Pilipinas at sa lahat ng panig ng mundo.
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong dedikasyon at pagsusumikap para sa ikabubuti at ika-uunlad ng pamumuhay ng bawat isa at ng ating minamahal na lalawigan.
Ngayong araw po ay masaya nating ipagbunyi ang mga nakamit nating tagumpay na bunga ng ating mga sakripisyo, pagsisikap, pagtitiyaga at pagmamahal para sa ating mahal sa buhay.
Hangad ko po ang kabutihan at malakas na pangangatawan ng lahat ng ating manggagawang Marinduqueño, lalong higit po sa panahon ng pandemyang ito.
Alam ko pong sinubok po ang ating mga sarili ng panahong ito, ngunit nais ko pong magbigay ng aking taos pusong pagsaludo at pagkilala sa inyong patuloy na pagharap at paglaban sa araw-araw. Hindi rin po kayo sumuko sa kabila ng dalang peligro ng COVID-19.
Nais ko rin pong bigyang pugay ang ating mga magigiting na frontliners na patuloy na nagsasakripisyo alang- alang sa kabutihan at kaligtasan ng ating mga kababayan.
Para po sa ating mga manggagawang Marinduqueño, tanggapin po ninyo ang aking maalab na pagbati at pagsaludo sa inyong lahat.
Lagi po nating tandaan na ang ating mga kakayahan at talento ay nagmula sa ating Panginoong Diyos. Patuloy rin po tayong gumawa ng mabuti para sa ating kapwa.
Hangad ko po ang kaligtasan, mabuting kalusugan at kaunlaran ng bawat isa. Kayo po ang modern heroes ng ating bansa.
Patuloy po tayong mag-ingat at Mabuhay po tayong lahat!