Mga bagong pinuno ng SK federation sa Marinduque, kilalanin

BOAC, Marinduque — Pormal nang isinagawa ang eleksyon para sa mga bagong pinuno ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Marinduque nitong Lunes, Nobyembre 27.

Ang gawain na inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ay pinangasiwaan ng Board of Election Supervisors (BES) na binubuo nina DILG-Marinduque Provincial Director German Yap kasama sina Atty. Angela Kristine De GuiƱo-Royandoyan, Provincial Election Supervisor ng Comelec at James Solas, kalihim ng Sangguniang Panlalawigan.

Nagsilbi naman bilang mga panel of observer sina Chona Calayo, executive director ng Marinducare Foundation, Inc., Democrito Nazareno, principal ng Marinduque National High School at Police Colonel Christopher Melchor ng Marinduque Police Provincial Office.

Sa naganap na botohan ay tinanghal na mga bagong lider ng SK Marinduque Provincial Federation sina Bertinus Valencia bilang pangulo, Mark Jhun Zoleta-bise presidente, Khyn Harold Grave-secretary, Napoleon Largado III-treasurer, John Mark Jayag-auditor at Jhustin Rodil bilang public relations officer.

Nagkaroon din ng maikling oryentasyon para sa mga bagong halal na opisyal kaugnay sa wastong tuntunin ng parliamentary procedure at mga pangunahing responsibilidad ng isang pangulo ng panlalawigang pederasyon ng sangguniang kabataan. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!