Mga biyahe ng barko sa Marinduque, kanselado pa rin

TORRIJOS, Marinduque – Kanselado pa rin ang biyahe ng barko sa mga pantalan ng Cawit, Boac at Balanacan, Mogpog ngayong araw, Setyembre 14, sanhi ng bagyong Ompong.

Ayon kay Philippine Ports Authority-Marinduque officer in charge Sherwin Reyes, “As of 6:00 am today, TMO Balanacan and Cawit port has no vessel trips due to typhoon signal.”

Wala namang estranded na pasahero sa mga nabanggit na pantalan.

“There are 13 vessels that are currently in our ports for sheltering”, dagdag ni Reyes.

Samantala, base sa ‘severe weather bulletin’ na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas 5:00 ng umaga, kasalukuyang nasa ilalim pa rin ng Signal No. 1 ang probinsya ng Marinduque. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!