Tatlo hanggang apat na mga buhawi o ipu-ipo (water-spout) ang namataan ng mga residente sa bayan ng Gasan, Marinduque. Nagpaikut-ikot ang nasabing mga buhawi sa pagitan ng Tres Reyes Islands at Gasan mga bandang alas onse hanggang alas dose ng tanghali kahapon, Hunyo 22 matapos ang isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill.
Ang buhawi, alimpuyo, tornado, o ipu-ipo ay isang biyolente, mapanganib at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na kumulonimbus o sa hindi kadalasang pagkakataon, sa paanan ng isang ulap na kumulus. Dumarating ang mga buhawi sa maraming mga sukat at laki ngunit karaniwang nasa anyo ng isang nakikitang embudo ng kondensasyon na humihipo ang makipot na dulo sa lupa ng mundo at kalimitang napapalibutan ng ulap o usok ng mga pinagguhuan o mga nawasak at mga alikabok. Ang buhawi ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang ang ipu-ipo naman ay nabubuo sa ibabaw ng tubig.