Kabilang si Princess Anne Noche ng Butansapa, Mogpog sa top 16 finalist ng patimpalak na Miss Tourism Philippines 2017.
Ang mga kandidata na pumasok sa top 16 finalist ay mula sa 1) Melbourne, 2) Umingan, Pangasinan, 3) Noveleta, Cavite, 4) Ilocos Sur, 5) Pasig City, 6) Quirino Province, 7) Puerto Galera, Mindoro, 8) Manila, 9) Puerto Princesa, Palawan, 10) San Fernando, Pampanga, 11) San Pedro, Laguna, 12) San Fernando, La Union, 13) Nueva Viscaya, 14) Marinduque, 15) Palawan at 16) Quezon City.
Ginanap ang kompetisyon ng pagandahan sa Chardonnay by Astoria noong Hulyo 30.
Sa tanong sa kanya ng Marinduque News kung paano mapapalakas ng lalawigan ang sektor ng turismo, sinabi niya na mas mainam kung maipagpapatuloy nila ang pagpapanatili ng ganda ng Poctoy White Beach, Maniwaya at Gaspar Islands, Bagumbungan Cave upang maipakilala ito sa iba pang turista na nagnanais na bumisita sa Marinduque.
Read also: Marinduque candidate, puspusan na ang paghahanda sa pagsabak sa Miss Tourism PH 2017
Ayon sa dilag, naging kalamangan daw n’ya sa ibang kandidata ang kanyang karanasan sa pagsali sa ibang pagandahan na kompetisyon, pagiging isang nursing student at tiwala sa sarili, pamilya at sa Panginoon.
Muli naming mapapanood ang delayed telecast ng beauty pageant sa TV5 Network sa ika-12 ng Agosto, 9:00 am to 11:00 am.