BOAC, Marinduque – Dinala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Marinduque sa mga mag-aaral ng senior high school ng Marinduque State College (MSC) ang kanilang mga kurso na nabibilang sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) bilang pakikiisa sa TESDA National TVET Enrolment and Jobs Bridging.
Kasama ng mga kursong dinala ng ahensya na pwedeng kunin ng mga estudyante ay ang scholarship grants na pwede nilang mapakinabangan kung papasok sila sa programang TVET at mga bukas na mga trabaho mula sa 12 employer na maaaring pasukan ng mga nakapagtapos na sa TESDA.
Ilan sa mga trabahong pwedeng pasukan ng mga aplikante ay nasa industriya ng electrical construction, publication, welding, hotel and restaurant services at manpower.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Ang mga dokumento na kailangang dalhin ng mga estudyante na nagnanais na pumasok sa TVET ay valid ID’s gaya ng NSO birth certificate at 1×1 picture samantalang bio-data at TESDA certificate naman ang kailangang dalhin ng mga mag-aaplay ng trabaho na nakapagtapos na sa TESDA.
Bukod sa Marinduque State College- Main Campus ay isinagawa rin ito sa bayan ng Torrijos at Santa Cruz.
Naging katuwang ng TESDA-Marinduque sa pagsasagawa ng dalawang araw na kaganapan na ito ang lokal na pamahalaan ng Marinduque, Department of Labor and Employment Office (DOLE), Public Employment Services Office (PESO) at mga industriya at kumpanya na may dalang trabaho para sa mga mag-aaral na nagnanais nang magtrabaho kapag nakatapos ng pag-aaral sa senior high school.
Payo naman ni Luigi B. Evangelista, field officer ng DOLE-Marinduque, kailangang isaalang-alang ng mga estudyante na taglay nila ang tatlong bagay na pangunahing hinahanap ng mga employer, knowledge (kaalaman), skills (kakayanan) at attitude (ugali). –Marinduquenews.com