BOAC, Marinduque – Tinatayang aabot sa 25 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala sa sumiklab na sunog sa bayan ng Boac, Marinduque nitong Lunes, Hulyo 2.
Sa panayam ng Marinduque News kay Superintendent Maria Victoria Padua-Brual, provincial fire marshal ng Bureau of Fire Protection-Marinduque, natanggap nila ang ulat tungkol sa sunog pasado alas-5:30 ng madaling araw.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at bandang alas-11:20 ng umaga nang idineklarang fire out ang lugar.
Labingpitong ‘business establishments’ ang natupok kabilang ang walong ancestral houses.
Inaalam pa ang sanhi ng pinagmulan ng apoy. –Marinduquenews.com