Sa huling provincial sortie ni Kiko Pangilinan ay nagtungo siya sa kanyang maternal hometown sa bayan ng Boac lalawigan ng Marinduque para sa isang live radio guesting sa Radyo Natin, Boac gayundin upang makasama ang kanyang mga mahal na kababayang Marinduqueno.
Pagkatapos ng interview ay nagtungo si Kiko sa ancestral house ng mga Nepomuceno kung saan ay parang nagkaroon ng instant family reunion ang mag-anak.
Bago tumulak papuntang Aklan si Pangilinan ay bumisita muna siya sa Provincial Capitol ng Marinduque para sa isang courtesy call kay Gov. Carmencita Reyes. Mainit naman ang naging pagtanggap kay Pangilinan na pinutungan pa ng mga Marinduqueno bilang tanda ng kanilang magiliw na pagsalubong sa anak ng Marinduque.
Sa probinsya naman ng Aklan ay nag courtesy call din si Kiko Pangilinan kay Gov. Joeben Miraflores at sa ilang LGU officials ng lalawigan. Pagkatapos ng pagpupulong ay bumisita si Kiko sa ilang istasyon ng radyo sa Kalibo upang himukin muli ang mga botante na ihalal siya sa senado sa darating na Mayo 9.
“Kiko Pangilinan po, hinihingi ang inyong matamis na ‘Oo’. Kapag nakuha ko po ang inyong matamis na ‘Oo’, makakaasa po kayo sa serbisyong TAPAT at TOTOO sa senado.” – Kiko Pangilinan
Trivia: Kiko Pangilinan started his first out of town sortie 88 days ago in Panay Island in Capiz and Iloilo (February 9). Today, the team ended their provincial sorties where they also began, in Panay Island again in Aklan.
Source and photos courtesy: Kiko Pangilinan Fan Page | More photos, click here.
Posted and edited: Romeo Mataac Jr, Marinduque News Portal