BOAC, Marinduque – Inaprubahan na ng Senate education, arts, and culture committee ang panukalang batas na naglalayong gawing unibersidad ang Marinduque State College (MSC).
Sa isinagawang senate deliberation nitong Miyerkules, Enero 23 na pinangunahan ni Sen. Chiz Escudero, chairman ng Senate Committee on Education, Arts and Culture at dinaluhan ni Dr. Merian Mani, presidente ng MSC, ang nasabing panukalang batas ay pinangalawahan ng mga kasapi ng komite.
Kung sakaling ito ay mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, tatawagin ang nasabing pamantasan na Marinduque State University (MSU) maging ang mga satellite campus nito sa mga bayan ng Santa Cruz, Torrijos at Gasan.
[fb_plugin video href=”https://www.facebook.com/marinduquenews/videos/227971824758681/” ]
Magkakaroon din ng kalayaang pang-akademiko at otonomiya ang nasabing paaralan kung ito ay maisasakatuparang maging isang ganap na batas. -ASD/RAMJR/Marinduquenews.com