GASAN, Marinduque – Naging matagumpay ang pagsagip ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang pawikan na napadpad sa baybayin ng Barangay Masiga, Gasan sa lalawigan ng Marinduque nitong Huwebes, Hulyo 29.
Nabatid na naglalakad umano sa baybaying sakop ng nasabing barangay si Ariesphel Solas at mga kaibigan nito nang makita ang pawikan, agad naman nila itong ipinagbigay-alam sa kagawad ng barangay alas-kuwatro nang hapon.
Matapos ang tagging, nabatid na ang nailigtas na buhay-ilang ay isang uri ng green sea turtle, habang pinangunahan ni Brian Iñigo Leaño, forest technician ng DENR-Marinduque, kasama ng ilan pang mga opisyal sa lugar at mga residente ang pagpapakawala ng pawikan sa Sitio Quatis ng nasabing barangay. – This story was first published on Abante, ‘Pawikan nasagip ng DENR sa Marinduque’/Marinduquenews.com