PESO Marinduque, tumatanggap na ng aplikasyon para sa summer job

Ang Livelihood Manpower Development and Public Employment Service Office (LMD-PESO) – Marinduque ay tumatangap na ng aplikasyon para sa mga estudyanteng nais magtrabaho sa ilalim ng Special Program for Employment of Student (SPES).

Ang ikalawang batch ng SPES ay bukas na sa mga mag-aaral na magsisimula ang klase sa mga buwan ng Hulyo o Agosto na may 15-30 taong gulang at kailangang Grade 11 o college level.

Layon ng nabanggit na programa na matulungan ang mga mahihirap na mga estudyante sa sekondarya at kolehiyo na kumita upang mabayaran ang kanilang gastusin sa pag-aaral.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Mahahasa rin ang kaalaman ng mga estudyante sa pagta-trabaho at makatutulong din ito sa paghahanap nila ng trabaho kapag natapos na sila sa pag-aaral sa  ‘senior high school’ o kolehiyo.

Sa mga interesadong mag-apply, maaari nilang isumite ang kanilang aplikasyon hanggang Mayo 30 sa LMD-PESO Office, Provincial Capitol Compound, Santol, Boac, Marinduque.

Ang SPES ay ipinapatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng Republic Act Number 9547 o batas para tulungan ang mga mahihirap pero karapat-dapat na mga estudyante na magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng pagta-trabaho tuwing summer at christmas season. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!