Sa kabila ng pagbisita at paglaan ng huling sortie ni President-Elect Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Marinduque ay lumabas sa isinagawang pag-aaral ng GMA News Research na ang ibinoto ng nakararaming Marinduqueno sa pagkapangulo ay si Sen. Grace Poe samantalang si Cong. Leni Robredo naman sa pagkabise -presidente.
Sa Marinduque ay nakakuha si Poe ng botong 45,125 at 40,598 naman ang nakuha ni Robredo.
Maliban sa Marinduque, nanguna rin ang tambalang Poe-Robredo sa mga probinsya ng Camarines Norte, Catanduanes, Oriental Mindoro at Quezon.