Ito ang kalsada na nag-uugnay sa pagitan ng barangay Cawit at barangay Tugos sa bayan ng Boac, Marinduque.
Sa tuwing sasapit ang tag-ulan, pangkaraniwan na ang tanawing ito. Putik doon, putik dito, putik kahit saan, kaya naman ang kalsada, hirap ng madaanan. Ang mga residente, napapasigaw na lamang ng “Putik kang nasa pwesto, nahan na ang pangako mo?”
Ayon sa Facebook post ni Kabayang Benjamin Larga “Ito ang kondisyon ng aming kalsada mula barangay Cawit patungong barangay Tugos. Taun-taon halos anim na dekada na, ganito pa rin ang sitwasyon, parang walang pumapansin lalo na sa aming provincial government. Pagcampaign period lamang namin lagi malalalaman na may plano sila na ipasemento ito dahil may pondo naman. Hanggang pagmag-e-eleksyon lang, pagkatapos wala na naman. Kaya Diyos naming mahabagin, tulungan mo po kami para maipaayos ang kalsadang ito upang maiwasan na rin ang mga aksidente. Maraming salamat po, Amen.”
Tila baga, nawalan na ng pag-asa sa lokal na gobyerno si Kabayang Benjamin kaya sa Panginoon na ito lumapit at nanawagan. Sadya nga, kapag hindi na natin kaya ang sitwasyon, Siya na lamang ang pwede nating sandigan.
Kaya Kabayang Benjamin, nananalangin din ako na nawa ay tupdin na nila ang kanilang mga pangako.