BOAC, Marinduque – Tumanggap ng studio equipment ang mga mag-aaral na nabibilang sa Special Program for the Arts (SPA) ng Marinduque National High School (MNHS).
Ito ay matapos ipamahagi ng Rotaract Club of Lucena South (RACLS)-3820 ang mga kagamitan gaya ng green screen, studio clapper, light reflector at softbox flash softy diffuser.
Ang mga kagamitang ito ay makatutulong sa mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga film na nais nilang gawin at ilaban sa kompetisyon.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Ayon kay Dennis Ibahan, tagapagpayo ng mga estudyante ng SPA, malaking tulong daw ito sa kanila upang makapaggawa ng dekalidad na maiiksing pelikula na pwedeng ilaban ng mga estudyante sa mga patimpalak sa labas ng probinsya.
Dagdag pa niya, makatutulong din daw ito sa kanilang mga estudyante na kasapi ng kanilang television broadcasting team na inilalaban sa school press conference.
Ang pamamahagi ng mga kagamitang ito ay isinabay sa talakayang isinagawa ng RACLS na tinatawag na EdukAksyon: A Lecture on Responsible Use Social Media and Gift-Giving of Studio Equipment. –Marinduquenews.com