MOGPOG, Marinduque — Nagtamo ng injury sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang rider at angkas ng motorsiklo matapos maaksidente umaga ng Huwebes, Hulyo 18 sa national road ng Brgy. Anapog Sibucao sa bayan ng Mogpog, Marinduque.
Base sa ulat ng Mogpog Municipal Police Station (MPS), bandang alas 9:50 ng umaga, binabagtas ng motorsiklo ang national road sa nasabing barangay patungong bayan ng Boac nang mag-overtake ito sa isang tricycle na naging dahilan para hindi makontrol ng rider ang manibela na nagresulta sa aksidenteng pagkakabunggo sa ekstrang gulong sa kaliwang bahagi ng paparating na jeepney na siya namang naging sanhi para tumilapon ang mga biktima.
Kinilala ang drayber ng motorsiklo na si Ervin Mamplata, residente ng Brgy. Ihatub, Boac habang ang kanyang angkas ay si Ellah Malapote, residente ng Sto. Cristo 2003, Guagua, Pampanga.
Ang dalawang biktima ay agad na dinala sa Dr.Damian Reyes Provincial Hospital at kasalukuyan nang nagpapagaling habang napinsala naman ang spare tire holder ng pampasaherong jeepney. — Marinduquenews.com