Mainit na pinag-uusapan ngay-on sa social media ang iginawad na parangal ng University of Santo Tomas Alumni Association Inc. (USTAAI) kay Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson bilang Thomasian Government Service awardee.
Umani ito ng batikos sa mga netizen, alumnos at mga estudyante ng unibersidad sapagkat hindi umano karapat-dapat na gawaran ng nasabing pagkilala si Uson sa dahilang marami raw ang mas deserving na alumni ng UST na dapat bigyan ng parangal. At kung ang basehan laang umano ay dahil naglilingkod sa gobyerno, ay aba, dapat daw bigyan ng pagkilala ang lahat ng Thomasian na kasalukuyang naglilingkod sa pamahalaan.
Dahilan sa kontribersiyang ito isinauli na ni Mocha Uson ngayong araw, Enero 24, ang parangal na iginawad sa kanya upang matigil na umano ang mga batikos at banat sa kanya at maging sa mga opisyales ng UST Alumni Association Inc.
#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera
Dahilan din sa kontrobersiyang ito, kahapon, Enero 23 sa pamamagitan ng isang liham ay opisyal na nagbitiw sa pwesto bilang pangulo ng USTAAI si Henry Tenedero.
Pero alam ninyo baga mga kababayan na si Mr. Henry Tenedero, dati ring presidente ng Philippine Marketing Association (PMA) ay isang Marinduqueno?
Oho kabayan, si Mr. Tenedero ay tubong Gasan, Marinduque. Una ko siyang nakilala noong 2016 sa graduation ceremony ng aking bunsong kapatid.
Natatandaan ko, noong kumustahin ko siya, ang sagot n’ya sa akin ay “Maigi naman ako, ngani baya mandin!”
Ayon, nagflashback laang sa akin ang laging nakangiti at napakabait na si Kabayang Henry sapagkat pirmi kong napapanood, nababasa at napapakinggan ang kanyang pangalan sa mga balita nitong nakalipas na mga araw.
By the way, congratulations din kay Cong. Lord Allan Jay Velasco sapagkat ginawaran din ito ng Thomasian Award for Government Service bilang nagtapos naman sa nasabing unibersidad ng Bachelor of Law noong 2005. – Marinduquenews.com