Sangkaterbang basura, nagkalat sa likuran ng lumang ospital sa Boac

Mukhang wala yatang Waste Management System ang lokal na pamahalan ng bayan ng Boac o ang Dr. Damian J. Reyes Memorial Hospital sa probinsya ng Marinduque sapagkat makikita sa kuhang larawan na ibinahagi ng isang concerned citizen sa Marinduque News ang sandamakmak na basura na nakakalat sa likurang bahagi ng lumang ospital doon.

Ayon sa concerned citizen, mga toxic hospital waste na kinabibilangan ng mga hiringgilya at plastic tubes ang basta na lamang itinapon sa lugar.

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera

Sangkaterbang basura na nagkalat sa likuran ng lumang ospital sa Boac

Sa aking pagkakaunawa, dapat ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng hospital waste sa dumpsite gaya ng mga gamit na hiringgilya sapagkat maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao ang mga ito kapag napabayaan.

Nananawagan tayo sa lokal na pamahalan ng bayan ng Boac at sa pamunuan ng nasabing ospital na agad itong aksyunan. Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!