DALAHICAN, Lucena City — Namahagi ng libreng pagkain ang pamunuan ng Starhorse Shipping Line sa mga stranded na pasahero nating kababayan.
Umabot sa 400 katao at may limampung pribado at pampasaherong sasakyan ang na-estranded sa Talao-Talao Port, Lucena City simula ng kanselahin noong Biyernes ng Philippine Coast Guard ang mga biyahe ng barko patungo at paalis ng Marinduque sanhi ng bagyong #UrdujaPH.
Inaasahan na ngayong umaga, Disyembre 18 ay magsisimula na ang byahe ng mga barko sa nasabing pantalan.
Read also: Byahe ng mga barko sa Marinduque, balik na sa normal
Una rito ay nag-anunsiyo na ang Balanacan Coast Guard sa pamamagitan ni Petty Officer III Denmark Cueto, Substation Commander ng Balanacan Coast Guard na balik na sa normal ang mga byahe ng barko sa Balanacan Port, Mogpog ngayong umaga. Ang unang biyahe ng barko patungong Lucena ay magsisimula sa ganap na ika-5:30 ng umaga.
Samantala, patuloy na naka-monitor at nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga sakuna na dulot ng hindi magandang panahon. — Marinduquenews.com
#MakeADifference: Help us to stay up, help us to buy a video camera