BOAC, Marinduque – Inilatag ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Boac ang kanilang mga proyekto na napapaloob sa kanilang strategic plan para sa taong 2020.
Ayon sa kanilang local government planner na si Luna Manrique, nakatuon ang pamahalaan ng Boac sa pagpapasigla ng negosyo sa poblacion at mga destinasyon na nais pang pagandahin bilang pampublikong lugar.
Ang Municipal Technical Team (MTT) ay nakatuon din sa paghahatid ng mga proyekto para sa mga tao at negosyo sa pamamagitan ng karagdagang pag-unlad ng pampublikong pamilihan, konstruksiyon ng multi-level parking area, pagpapabuti ng paghahatid ng mga basic at social services tulad ng pagpapasaayos ng Municipal Health Diagnostic at Laboratory Center, pagpapaganda ng sistema ng patubig, mahigpit na pagpapatupad ng tamang pagtapon ng basura, pagpreserba ng cultural heritages, pagpapatayo ng Negosyo Center para itaguyod ang micro, small, medium-enterprises (MSMEs) at mapanatili ang peace and order sa buong bayan ng Boac.
Photo courtesy of Luna Manrique