Suman at Sampililok, tradisyunal na pagkain tuwing Pasko ng mga Marinduqueno

TORRIJOS, Marinduque – Hamon at keso de bola ang pangkaraniwang makikita sa hapag ng mga Pinoy tuwing Noche Buena. Subalit sa Marinduque – ang tinaguriang puso ng Pilipinas, Suman at Sampililok o kilala rin sa tawag na Kalamayhati ang mga pagkaing hindi nawawala sa handa ng mga Marinduqueno tuwing nasapit ang Pasko at Bagong Taon.

Ang tradisyunal na Sumang Marinduqueno na gawa sa malagkit na bigas ay inabalot sa dahon o palaspas ng Niyog upang mas lalo itong bumango at maging masarap.

Pagkatapos ito ay asawsaw, asulbot o apahiran ng Sampililok – lokal na katawagan sa ‘Coco Jam’ ng mga naninirahan sa bayan ng Torrijos at Santa Cruz. Kalamayhati naman ang tawag dito ng mga taga-Buenavista, Gasan, Boac at Mogpog.

Ang Sampililok o Kalamayhati ang yanung ligat ngani at yanung sarap mandin na kaulam ng Sumang malagkit. Ito ay gawa sa matam-is na bao na inalahukan ng gata ng Niyog.

Hamos na sa Marinduque at tikman ang mga pagkaing talaga namang aming inapagmalaki! Marinduquenews.com

Posted in Uncategorized
error: Content is protected !!