Kanina, pumar-on ako sa SM Megamall, Mandaluyong upang suportahan ang exhibit ng Marinduque sa 2nd Mimaropa Naturally Agri-Trade and Tourism Fair 2016. Bumisita muna ako sa tourism booth ng Marinduque kung saan ay nandon ang mga hospitable na kababayan na talagang nagapromote ng ganda ng lalawigan, ito ay sa pangunguna ni Tita Susan Nace ng Dream Favor Travel and Tours. Nameet ko rin si Richard Ace De Leon, na baga’t hindi taga sa atin ay buong pusong nagalaan ng oras para tulungang magdevelop at magpromote ng ating bayan. Pagkatapos ay bumili ako ng ilang mga lokal na produkto kagaya ng patis na gawa sa barangay Buangan, maasim na suka na gawa ng mga taga-Bayakbakin at peanut brittle made in Sibuyao.
Habang naga-update ako ng balita sa website ng Marinduque News Online (www.marinduquenews.com), naiisipan kong buksan at papakin ang banana chip na binili ko kanina. Hindi ako nanghinayang na sirain ang lagayan, sapagkat tila baga, kaparehas lamang ito ng ordinaryong banana chip na nabibili ko sa tindahan o kaya ay sa supermarket. Subalit ng aking buksan, ako ay nagtaka, biglang bumango ang kapaligiran, kaya’t itinapat ko sa aking ilong, ang Banana Chip kong tangan. Hmmm, ito pala, amo’y hinog na langka. Nakakatakam, dali-dali ko itong tinikman. Swabe, ang sarap, ang lutong, ang bango, ang sarap papakin. Delisyoso, ika ngani. Kakaiba sa lahat ng banana chip kong natikman! Great job, Bangcuangan, Sta. Cruz sa inyong masarap na produktong ito.
Note: Sa mga health conscious, available din ang Homemade Banana Chips free sugar.
By the way, ang Mimaropa Naturally Agri-Trade and Tourism Fair 2016 ay magatagal hanggang Linggo, Oktubre 23.