Top 1 most wanted sa Marinduque, huli sa Bulacan

BOAC, Marinduque — Dinakip ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office at tracker team ng Guiguinto Police Station kasama ang Gasan Municipal Police Station at Marinduque Provincial Intelligence Unit ang Top 1 Most Wanted Person sa probinsya ng Marinduque.

Ang suspek na si Alyas Mark ay inaresto sa Brgy. Poblacion, Guiguinto, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Presiding Judge ng Family Court Branch 9 sa Boac, Marinduque sa kasong rape nang walang inerekomendang piyansa ang korte.

Ang suspek ay nakatakdang iturn-over sa Marinduque Police Provincial Office para sa kaukulang disposisyon. — Marinduquenews.com

error: Content is protected !!