BOAC, Marinduque – Tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Boac ang bagong ‘ultrasound with 2D echo machine’ mula sa Marinduque Provincial Department of Health (DOH) Office.
Ang nasabing machine ay hiniling nina Mayor Roberto Madla at mga kasapi ng Sangguniang Bayan .
Sa pamamagitan ng makinang ito ay maseserbisyon na ang mga pasyenteng taga-Boac at karatig bayan nang sa gayon ay masuri ang kalagayan ng kanilang internal organs. Bukod pa rito ay maaari na ring tingnan at suriin ang lagay ng puso ng mga pasyente sa pamamagitan ng tinatawag na echocardiography test.
Ayon kay Delbert Madrigal mula sa DOH-Marinduque, ang nasabing makina ay mananatili sa Dr. Pablo N. Marquez Municipal Health and Diagnostic Center sa Brgy. Isok 1, Boac. – Marinduquenews.com