Inagaluluko ng mas masahol pa kaysa dati ang Marinduqueno?
Mapayapang nagsiuwian ang mga dumalo sa En Banc Committee Hearing ng SP kamakalawa ng umaga. Ito ay kinabibilangan ng mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan, mga miyembro ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), mga opisyal mula sa ilang bayan at representante ng Kongresista ng Marinduque. Naimbitahan din at nagpaunlak naman ang Obispo ng Boac, Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr.
Pero pagdating ng hapon ay naiba ang hihip ng hangin.
Base sa impormasyon, maayos na isinumite at pinag-usapan naman sa miting ang magkakahiwalay na position papers ng MACEC, ng SB Mogpog at SB Boac, ng Multi Stakeholders’ Unities at ng Obispo sa Sangguniang Panlalawigan at sa Tanggapan ng Gobernador. Mahalaga at makabuluhan ang mga diskusyon. Ang mga diskusyong ito ay mga ilang buwan na ring tinalakay sa bulwagan ng SP mismo, gayundin sa iba pang lugar tulad ng ginanap na round-table discussion na kinabilangan ng multi-stakeholders kasama ang ilang bokal.
Napag-alaman pa rin sa nasabing hearing, ginanap noong Martes (Oct. 25), na halos lahat ng mga bokal pala ay maraming katanungan, agam-agam at tahasang pagdududa dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin kompleto ang isinumiteng mga proposed contracts. Sa binalangkas na bagong kontrata ng Diamond McCarthy (DM) ay wala diumano ang mga mahahalagang attachments lalo na ang detalye sa usapin ng pananalapi, budget.
Kailangan pa rin ng panahon para pag-usapan ang proposed contract mula sa TJL (Canadian law firm), tulad ng napagkasunduan sa mga nakaraang miting. Matatandaang opisyal na inimbitahan ng Lalawigan ang huling nabanggit na TJL Canadian law firm sa Marinduque noong nakaraang January 2016 para mapag-usapan ang mga bagay tungkol sa kaso.
Bulaga!
Subalit pagdating ng hapon noong Martes ay kagulat-gulat na nagsagawa pa rin ng isang Special Session sa kahilingan ng Gobernador na bigyan siya ng authority para pirmahan ang mga kontrata na direktang nag-aatas (engage) sa DM bilang ‘global lead counsel’, ang Canadian law firm LOLG bilang local counsel, at ang Parabellum na isang third party financier na magpapautang ng pondo sa lalawigan na kailangan namang bayaran – manalo o matalo sa kaso diumano.
Dahil taliwas ang hinihiling ng Gobernador sa lahat ng napag-usapan sa En Banc Hearing noong umaga, hindi inaprubahan ng mayorya sa Sanggunian ang kanyang kahilingan sa botong 5-4-1. (Lima ang ‘no’, apat ang ‘yes’ at isa ang nag-abstain’).
Taliwas din ang kahilingang ito sa naging resulta ng Round-Table Discussion sa Multi-Sectoral Forum on the Environment noong nakaraang buwan at sa naging official position ng MACEC at ng iba pang kinauukulan na:
– Matinding pagtutol sa patuloy na pag-aatas sa DM at kay Walter Scott sa kasong isasampa sa Canada.
– Pagtutol na bigyan ng awtoridad ang Gobernador Carmencita O. Reyes na makipagkontratang muli sa DM, pagtutol sa funding agreement sa Parabellum Capital LLC, at pagtutol sa retaining agreement sa pagitan ng DM at LOLG (a Canadian law firm).
– Paghikayat sa Provincial Government na wakasan na ang dating kontrata sa DM/Walter Scott, at direktang makipagkontrata sa Canadian firms/lawyers para ipagtanggol ang kaso.
– Panawagan sa Provincial Government na pahalagahan ang commitment nito na buksan ang pormal na pag-anyaya sa iba pang interesadong Canadian firms at i-convene ang Multi-Stakeholders Council and Technical Working Group para sa bagay na ito.
Sa official position paper ng MACEC ay binigyang diin na:
May sapat sa dahilan para wakasan (terminate for cause), ang kontrata sa DM/Scott dahil wala na itong kapabilidad para magampanan ang kanilang mga obligasyon sa ilalim ng existing contract na ‘purely based on contingent arrangement’ dahil:
a). They cannot practice in Canada; b) they cannot hire local lawyer on contingency basis and that PGM still needs to engage a Funder to also pay their partner Canadian lawyers on an Hourly Basis; c) The PGM must also look into the many past actions and conduct of DM lawyers specially Atty. Walter Scott which many considered unethical. These resulted to obvious lack of trust and confidence by various stakeholders to DM/Scott as publicly and formally manifested by different local government officials (LGUs), and official representatives of civil society organizations (CSOs) who participated in different consultations related to the case and as reflected in various resolutions submitted to the PGM/SP by the different stakeholders.
Sinabi rin ng Macec sa kanilang position paper na isinumite sa SP at gobernador ang ganito:
How can we further trust legal counsels who does not believe that the case is winnable in Canada and who at the time of the $20M Settlement Discussion publicly announced in official meetings including Multi-Stakeholders Consultations that such is the best deal that the Province can get. Atty. Scott in particular even claimed that filing the case in Canada may just reduce the recovery to nothing with words short of saying that it is almost certain that the case will lose and that the Province may even pay Barrick Gold citing his reasons. So, Contract with DM/Scott must be terminated.
Nagtanong ako: Dahil ba na-disapruba ng SP ang kahilingan ng Governor ay doon matatapos ang kuwento at igagalang ang desisyon ng SP?
Sagot: Parang bago ka ng bago, bantayi at tingni.
Sundan…