Velasco ng Marinduque, Sanib Pwersa na rin kay Mayor Duterte

Mayor Rodrigo Duterte at Cong. Lord Allan Velsco
Personal at opisyal na ngang ipinahayag ni Cong. Lord Allan Velasco ng lalawigan ng Marinduque ang pagsuporta at pagsanib ng kampo nito sa kandidatura ni Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon sa Facebook post ni Velasco “Mga minamahal ko pong Marinduqueño. Kami po ng aking maybahay na si Wen ay lubos na nagnilay at nanimbang sa kung sino po kina Mayor Duterte at Sen. Poe ang karapat dapat dalhin sa ating lalawigan. Kami pong mag-asawa ay nag usap ng masinsinan. Na kung sino po ang tunay na makakatulong na maiahon sa kahirapan ang ating lalawigan; na mapaayos ang problema sa kuryente; na mapagtuunan ng pansin ang kalagayan ng ating nakakaawang provincial hospital; na mapatapos ang airport; na maisara na ang usapin sa Marcopper kung saan hindi madedehado ang ating probinsya; at lahat lahat pa po ng anomaliya na nangyayari sa ating lalawigan.”

Wen Velasco, maybahay ni Cong. Allan kasama si Mayor Duterte

Dagdag pa ni Velasco, “Naramdaman po naming mag-asawa na tutuparin po ni mayor ang pagbabagong kanyang ipinapangako. Kaya kami po ay nag desisyon na makipag-usap sa kanya bago pa man po tumaas ang kanyang rating sa survey. Kami po ay humanga sa kanyang plataporma at layunin na baguhin ang ating bansa. Hindi po kami kaagad nag anunsyo sa kadahilanang punong-puno na po ang schedule ni mayor. Ngunit dahil po siguro sa ipinakitang pagsuporta at pagtulong ni Wen kay mayor, sa pagpunta-punta po n’ya sa Davao; sa sinseridad na ipinakita n’ya bilang isang mabuting tao at kaibigan; at sa personal na pag-aasikaso sa Bataan Grand Rally, ay ikinansela po ni mayor ang pagpunta n’ya sa tatlong probinsya sa Norte upang s’ya po ay makabisita sa ating lalawigan at personal n’yang maiparating sa inyo ang kanyang mensahe. Sana po ay maunawaan ninyo ang aming naging desisyon. Ito po ay para sa minamahal nating lalawigan. Maraming salamat po at pagpalain po tayo ng Panginoon.”


Samantala, nakatakda namang bumisita si Mayor Duterte sa Marinduque ngayong darating na Huwebes, ika-5 ng Mayo kaya puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga taga-suporta nito.

Posted in Uncategorized

Leave a Reply

error: Content is protected !!