SANTA CRUZ, Marinduque – Walang pasok sa trabaho at sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Santa Cruz, Marinduque ngayong darating na Biyernes.
Ito ay matapos ideklara ng MalacaƱang ang Mayo 3 bilang special non-working holiday para bigyang-daan ang ‘founding anniversary celebration’ ng bayan ng Santa Cruz.
Ang kautusang ito ay nakapaloob sa inilabas na Proclamation No. 711 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Base sa proklamasyon, nararapat lamang na magkaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Santa Cruz na makapagdiwang at makilahok sa selebrasyon.
Proclamation-No.-711_An-Act-Declaring-May-3-of-Every-Year-a-Special-Nonworking-Holiday-in-the-Municipality-of-Sta.-Cruz-Province-of-Marinduque“Whereas, it is but fitting and proper that the people of the municipality of Santa Cruz be given full opportunity to celebrate and participate in the occasion with appropriate ceremonies”, base sa kautusan.
Inaasahan naman na magkakaroon ng iba’t ibang programa sa pagdiriwang ng Santa Cruz Day. – Marinduquenews.com