TORRIJOS, Marinduque – Sinuspende ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ngayong Biyernes, Setyembre 14 dahil sa inaasahang masamang panahong dulot ng bagyong Ompong.
Ayon sa inilabas na ‘advisory’ ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), “In view of the impending impact of Typhoon Ompong in the province, the PDRRMC announces the suspension of classes for September 14, 2018, in all Public and Private Schools in all level, such is being made to ensure the safety of our students due to the potential threats and risk it may cause.”
Samantala, base sa ‘bulletin’ na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Setyembre 13, ganap na alas-11:00 ng gabi, kasalukuyang nasa ilalim na ng Signal No. 1 ang probinsya ng Marinduque. –Marinduquenews.com